Buhay!Saya!Kahulugan!

“Only life lived for others is a life worthwhile.” –Albert Einstein

Maikli… yan ang buhay ng isang tao. Hindi mo nga alam kung hanggang kailan ka lang magtatagal. May mga taong maagang iniwan ang m

hope,faith,love and luck

undo at may mga tao rin namang umaabot pa ng sentenaryo. Ngunit nasa haba o tagal ba ito ng panahon ng iyong pamamalagi? O kung nasa papaano mo ito ginamit?

Paano ba ang mabuhay? Sapat na bang ikaw ay nakakahinga, nakakakain? O ang buhay ng isang tao’y may malalim pang pakahulugan.

Naniniwala akong bawat bagay ay may kabuluhan. Ang simpleng plato nakakainan, itong lapis na gamit ko, napangsusulat at ang papel nasusulatan. Ang tao kaya?..para saan? Bakit kaya ako nabubuhay?

Simple lang naman akong tao, baka nga pagnawala ako, wala namang maghanap. Pero kahit na isa lamang akong pangkaraniwang nilalang, gusto kong mabuhay ng may kabuluhan. Gusto kong masabi sa sarili ko na naging makabuluhan ang aking buhay, may saysay, may kwenta.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay, hindi ko alam kung hanggang saan ako makakarating . Baka bukas, hindi naman natin alam. Pero sana, makita ko ang aking buhay na may kulay, ang buhay kong nakatulong sa iba.



2 Responses to “Buhay!Saya!Kahulugan!”

  1.   ehgie Says:

    haizz..
    sharE qOh lang yung nabasa qOh bez..

    ang karanasan ay hindi ang mga bagay na nangyayari sayo, ito ay ang iyong pagtugon sa mga nangyayari sayo..—PDL,aldoux huxley

  2.   edmer Xsall Says:

    ang lalim bez!!ndi ko maarok..hehe.

Leave a Reply